Thursday, July 7, 2011

"Ambo" isang maikling kuwento

Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Pa. Virtusio. Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

Isang nakakapangambang damdamin ang biglaang sumugpo sa aking puso at isipang, bilang bahagi ng lipunan kung saan bulgarang madarama ang korupsyon at pang- iisa ng kapwa, paanong ang tulad kong isang guro ay mababago ang takbo ng bulok na sistemang ang biktima ay ang mga mamamayang walang tinig, lakas at kapangyarihang baligtarin ang isang bangungot na lumalamon sa ating pagka- Pilipino. Ito ay isang awiting nagpabago ng aking kaisipan at bumuhay sa aking pagnanais na maging bahagi ng isang pagbabago bilang guro kasama ng aking mga mag- aaral....


video