Saturday, May 14, 2011

Ang Mapaglarong Buhay ng Isang Guro


































































WEHHH di nga?
You are a disaster in this classroom!!!!
Tammmaaaaaaa!!!!!
Ikaw na magalaing!!!!
Who the hell are you?
Sir Bau ang ingay ng mga BOYS!


...... Sino ba naman ang makakalimot sa mga tag lines na yan? Mga salitang umaalingawngaw sa araw- araw na pagkikita sa paaralan.

June 7, 2010... Pasukan nanaman.. bagong akademikong taon, bagong departamento (dahil sa wakas high skul na ang mga dating nasa ikaanim na taon), bagong mga subjects, bagong guro, bagong pakikisama. Iyan ang halo- halong kaisipang sabay- sabay na tumatakbo sa isip ng bawat isa habang pumapasok sa isang silid- aralan na hindi mawari kung ano ang naghihitay.

Sabi ng mga eksperto sa akademiko, ang unang taon daw ay ang panahon ng pakikibagay sa buhay sekundarya, tama nga! Dahil hindi naging kaaya- aya ang tatlong unang buwan ng S.Y. 2010- 2011. Isang mag- aaral mula sa unang taon ang humahangos na lumapit sakin upang ibalita ang isang bagay na lubusan kong ikinagalit,, "Sir Bautista may dalawang lalaki pong nagsuntukan sa loob ng room!" Dali dali akong tumakbo para alamin ang nangyari. Nagsuntukan ang dalawang magaaral dahil sa inisan, masyadong makabata ang dahilan na ikinagalit ko pero naisip ko ang sabi ng mga eksperto na iyon ay bunsod ng kanilang pakikibagay....

Isang malaking hamon ang tumambad sa aking harapan. Naitanong ko sa sarili ko kung pano ko uunawain ang mga mag- aaral na tulad nila? Paano ko sila gagabayan sa kanilang paguugali? Anung mga paraan ang pwede kong gawin para maintindihan nilang mali ang kanilang pag- uugali?

Patuloy akong humarap sa kanila ng walang kongkretong kasagutan, basta ang alam ko lang ako ang guro at may magagawa ako. Dito nagsimula ang isang mas malalim na pagunawa sa mga batang kaluluwa na ipinagkatiwala sakin ng Diyos.

Sa pagpapatuloy ng bawat araw, marami akong napagtantuan tungkol sa mga istudyante ko. Natuklasan kong karamihan sa kanila ay may mga problemang pampamilyang kinakaharap. Sa murang edad, karamihan sa kanila ay biktima ng 'Broken Family', pressured sila sa mga bagay na nangyayari sa kapaligiran nila. Minsan nga may isang mag- aaral na lumapit at nagsabing "Sir mas gusto ko nga dito sa paaralan kasi mas tahimik at napapakinggan ako kaysa sa bahay namin!". Parang may biglang kumurot sa puso ko na hindi ko mawari, nagimbal ang isip ko at pinugpog ng isang malakas na pagsabog ang puso ko.

Bigla kong naisip ang sinabi ng guro ko sa kolehiyo "Bilang guro hindi lamang sapat na maibahagi ninyo ang inyong kaalaman sa inyong mga mag- aaral, bagkus tulungan silang maunawaan ang buhay sa mas malawak at tamang aspeto." Natigilan ako at nakaramdam ng poot sa sarili ko, pakiramdam ko ay napakakitid ng isip ko para hindi sila maunawaan.

Sinimulan kong baguhin ang aking pakikitungo sa kanila, inilapit ko ang aking sarili upang mas maunawaan ang kanilang pinagdadaanan, kinaibigan at nakibagay ako sa kanilang mga gawi, sinimulan kong siyasatin ang kanilang karanasan upang mas magkaroon ako ng malalim na pagkakakilalan sa mga kabataang halos kalahati ng kanilang panahon ay ako ang kasama.

Hindi ako nabigo! Nagawa ko silang unawain at pahalagahan bilang bahagi ng buhay ko. Nagawa kong maramdaman ang nararamdaman nila. Mas naging madali ang pagtuturo ko sa kanila dahil nabuo ang tiwala nilang handa ko silang tulungan at gabayan. Mas lumalim ang aming pagsasamahan bilang guro at mga mag- aaral ko. Sa tuwing kami ay lalahok at makikipagsabayan sa mga aktibidad ng paaralan. Sa murang edad sa sekundarya, hindi naging madali sa kanila ang makipagsabayan. Magagaling ang nasa mas mataas na taon kumpara sa kanila, pero dahil nga may tiwala kami sa isat isa ginawa naming posible ang mga imposible. Pinagbutihan namin at ginalingan ang bawat labang aming nilalahukan. Di kami nabigo dahil nagbunga ang aming mga pagsisikap. Madalas silang magwagi, hindi man sa unang karangalan pero hindi naman kulelat.

Pero syempre tulad ng isang kwento ang lahat ay may katapusan. Isang sulat ang aking natanggap mula sa punong guro ng aming paaralan na ang sabi, "This is to inform you that your probationary period has expired and will not be renewed." Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Nawala ako sa pokus, nalungkot at lubusang naapektuhan ng balita. Pakiramdam ko hindi ako karapat- dapat makatanggap ng ganoong balita, na parang napaka unfair ng kalagayan ko dahil nasa puso ko ang pagtuturo at mahal ko ang mag istiudyante ko, mahal ko ang ginagawa ko.

Alam ko na wala na akong magagawa kundi tanggapin ang balita, hindi dahil duwag akong lumaban kundi dahil alam ko na mas makakabuting sundin ko nalang ang kagustuhan nila upang hindi maapektuhan ang mga bata. Pinilit ko itago ang pag-alis ko sa paaralang iyon ng sa ganoon ay hindi makaapekto sa kanila, kasi alam ko na ikakalungkot nila yun at ikakasama ng loob ng iba. Pero ganoon pa man ay hindi ako nakaligtas sa mapangusisa nilang mga katanungan.

Nabalitaan ng ilang mag- aaral ko ang balitang aalis ako sa paaralan mula sa isa sa aking kapwa guro, hindi ko alam ang dahilan nya pero hinayaan ko na lang kasi iyon naman ang totoo. Maraming mga tanong na hindi ko magawang sagutin ng ayos dahil natatakot akong mailantad ang totoo na ako ay biktima ng maling kalakaran na lubusang lumalamon sa sistemang pinipilit linisin ng iba pero patuloy na dinudungisan ng ibang taong walang pakialam sa kalagayan ng mga taong apektado.

Bagamat hindi malinaw sa karamihan ang pag-alis ko maliban sa Punong- guro ng paaralan, ilang kapwa guro at ako ay naunawaan naman ng mga mag- aaral ko ang kalagayan ko.

Tila kalunus- lunos na bagyo ang gumimbal sa mga pangarap ko sa paaralang iyon, Bagyong walang awang hinandusay ang aking pagsusumidhing tumulong sa aking mga mag- aaral. Malungkot... napaka lungkot ng panahong iyon, ngunit mas inunawa ko ang bawat pangyayari, naniwala akong may magandang plano ang Diyos para sakin, para sa mga mag- aaral ko.

Sa ngayon, wala akong ibang hangad kundi magpatuloy sa aking mga adhikain. Harangin man ako ng kahit ano at kahit sino ay magpapatuloy ako. Ang pagmamahal ko sa mga batang itinuring ko ng kapatid, anak, at kaibigan ay mananatiling bahagi ng napakamakahulugang bahagi ng buhay ko. Mananatili silang inspirasyon upang magpatuloy ako sa aking mga hangarin sa buhay bilang isang guro. Kalakip ng pag- asa ang aking pananaw na balang araw, ang mga kabataang tulad nilaay magiging kapaki- pakinabang sa lipunang aming ginagalawan.


Our Lady of Fatima, Our Lady of Guadalupe, Our Lady of Lourdes, Our Lady of Holy Rosary at Uor Lady of Mt. Carmel lagi ninyong tatandaan na mahal na mhal kayo ni Sir Bautista kahit saan man kayo mapunta ay baong nyo ang pakikipagkaibigan ko sa inyong lahat!


...... SIR BAU!

Tuesday, May 10, 2011

Dear Rafaelians

WELCOME to my newest blogroom.... a classroom on blog...
ill be posting some articles here para intouch padin tayo...
I miss you all guys!!!